--Ads--
Nakatakdang mag-isyu ng subpoena ang Criminal Investigation and Detection Group laban kay Senador Ronald dela Rosa kaugnay ng imbestigasyon sa umano’y extrajudicial killings (EJK) sa Davao City.
Sa isang press briefing nitong Linggo, nilinaw ni Interior Secretary Jonvic Remulla na hindi warrant of arrest ang ipalalabas kundi subpoena lamang, na nakatakdang ihain sa Lunes.
Ayon kay Remulla, may kaugnayan ito sa imbestigasyon ng House Quad Committee hinggil sa panahon kung kailan si Dela Rosa ay nagsilbing hepe ng Davao City Police Office at kalaunan ay naging police chief sa rehiyon ng Davao.
Dagdag pa ng opisyal, bahagi ito ng patuloy na pagbusisi sa mga alegasyon ng EJK sa naturang panahon ng serbisyo ni Dela Rosa sa kapulisan.
--Ads--










