--Ads--

Layunin ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na makumpleto ang pamamahagi ng unang yugto ng Cash Relief Assistance para sa sektor ng transportasyon sa labas ng Metro Manila bago matapos ang Abril.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, hindi kasama sa mga tatanggap ng ayuda ang mga tsuper na colorum, dahil hindi nais ng pamahalaan na suportahan ang iligal na operasyon.

Gayunpaman, hinikayat niya ang mga ito na ayusin ang kanilang mga papeles upang maging lehitimo at makasama sa listahan ng mga benepisyaryo sa mga susunod na pamamahagi.

Samantala, sinisimulan na rin ng DSWD ang paghahanda para sa susunod na yugto ng distribusyon ng tulong pinansyal.

--Ads--

Matatandaang inilunsad ang unang round ng Cash Relief Assistance noong Abril 8 upang makatulong sa mga tsuper at operator sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng langis.