--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaabisuhan ng mga traffic enforcers ang mga driver na gumagamit ng e-trike at e-bike sa lungsod ng Cauayan na kumuha na sila ng kanilang lisensya.

Ito ay kaugnay sa naoobserbahang pasaway na mga ebike at e-trike drivers sa lungsod ng Cauayan na hindi marunong tumingin ng traffic o road rules.

Ayon kay POSD Chief Pilarito Mallillin, hindi na lamang sa mga barangay road nakikita ang mga naka e-trike at e-bike dahil mayroon na rin sa mga national highway.

Dagdag pa ni POSD Chief, delikado ang paggamit nito sa national highway kaya kinakailangan pa rin na mayroong lisensya ang mga nagmamaneho nito.

--Ads--

Kadalasan aniyang idinadahilan ng mga driver ng e-trike ay wala silang lisensya dahil electric lamang ang kanilang sasakyan.

Mapa electric man umano ito o hindi ay dapat na lisensyado ang mga driver lalo pa at may mga pasaway na sumisingit singit sa national highway.

Sa ngayon, hindi talaga inirerekomenda ng mga traffic enforcers na dumaan sa National highway ang mga ebike kaya pinagpaplanuhan na sa lungsod ang mahigpit na pagbabawal sa mga ito na dumaan sa pambansang lansangan.

Dagdag pa ni POSD Chief, kahit sa barangay o provincial road lamang dumadaan ang ilang mga ebike at e-trike drivers ay nararapat pa rin na marunong sila sa batas trapiko.