Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) si Franco Mabanta ng online media network na Peanut Gallery Media Network (PGMN) personality na matapos umanong masangkot sa tangkang pangingikil kay Leyte 1st District Representative at dating House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, naaresto si Mabanta sa isang entrapment operation matapos umanong tanggapin ang marked money na nagkakahalaga ng PHP300 milyon.
Lumabas sa imbestigasyon na inakusahan umano ng suspek si Romualdez na may kinalaman sa flood control scandal at sinabing hawak niya ang mga video na magpapatunay nito. Kapalit umano ng hindi paglalabas ng naturang mga video, humingi si Mabanta ng PHP350 milyon sa kongresista.
Dagdag ng NBI, ang mga banta ay isasapubliko umano sa pamamagitan ng Peanut Gallery Media Network na pagmamay-ari ng suspek.
Nakatakda namang maglabas ng karagdagang detalye ang NBI sa isang press conference. Wala pa ring opisyal na pahayag mula sa kampo ni Romualdez kaugnay ng insidente.











