--Ads--
Umatras sina Alexandra “Alex” Eala at Victoria Mboko mula sa 2026 French Open doubles tournament, batay sa updated draw na inilabas nitong Miyerkules.
Sa bagong talaan ng laban, wala na ang pangalan nina Eala at Mboko, at pinalitan sila sa bracket ng tambalan nina Leylah Fernandez at Diana Shnaider na haharap kina Oksana Selekhmeteva at Anastasia Zakharova.
Nauna nang natapos ni Eala ang kaniyang kampanya sa singles matapos matalo kay Iva Jovic sa score na 6-4, 6-2.
Samantala, magpapatuloy pa rin si Mboko sa kaniyang singles run at nakatakdang makaharap si Katerina Siniakova sa ikalawang round sa Huwebes.
--Ads--
Wala pang inilalabas na dahilan sa pag-atras ng dalawa mula sa doubles competition.










