Patuloy na nakaalerto ang World Health Organization (WHO) sa Ebola outbreak sa Democratic Republic of the Congo (DRC), kung saan lumampas na sa 5,000 ang kabuuang kaso ng sakit.
Ayon kay WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus, mahigit 2,320 na ang nasawi at hindi pa kontrolado ang epidemya.
Ito na ang pinakamalalang Ebola outbreak sa kasaysayan ng DRC, na higit sa 2,299 na nasawi sa outbreak mula 2018 hanggang 2020.
Dagdag pang hamon sa pagtugon dito ang kawalan pa ng aprubadong bakuna at lunas para sa Bundibugyo strain, gayundin ang patuloy na kaguluhan, misinformation at kawalan ng tiwala ng ilang komunidad sa mga health worker.
Nanawagan si Tedros sa international community na suportahan ang mga hakbang para matukoy at maputol ang mga chain of transmission upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng Ebola.









