--Ads--

Umakyat na sa 5,119 ang bilang ng mga nasawi sa magkasunod na lindol na tumama sa Venezuela noong nakaraang buwan, ayon sa pinakahuling opisyal na tala na inilabas nitong Sabado.

Tumaas ito ng 50 kumpara sa naitalang bilang noong Biyernes, halos 24 na araw matapos ang magkakasunod na lindol na yumanig sa bansa noong Hunyo 24.

Pinakamalubhang naapektuhan ng sakuna ang La Guaira, isang baybaying estado malapit sa kabisera na Caracas, kung saan maraming gusali ang gumuho dahil sa malalakas na pagyanig.

Nanatili namang nasa 16,740 ang bilang ng mga nasugatan, ayon sa impormasyong ibinahagi ni Venezuelan Parliament President Jorge Rodriguez sa Telegram.

--Ads--

Patuloy pa rin ang paghahanap at pagrekober ng mga labi ng mga biktima mula sa mga gumuhong gusali sa La Guaira habang libu-libong residente ang nawalan ng tirahan at pansamantalang nanunuluyan sa mga evacuation camp.