Hindi kuntento ang Energy Regulatory Commission (ERC) paliwanag ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) kaugnay ng naganap na red at yellow alerts sa Luzon at Visayas.
Ito ay bagama’t nakapagsumite na ng paliwanag ang NGCP sa ERC.
Ayon kay Atty. Maria Corazon Gines ng legal service ng ERC, may mga karagdagang katanungan pa ang komisyon kaya hindi pa sila maaaring maglabas ng kumpletong pagsusuri.
Kabilang sa hininging paliwanag ng ERC sa NGCP ang eksaktong petsa at oras, tagal ng bawat alert, mga apektadong transmission areas, root cause, triggering factors, at mga generating units at transmission lines na nagkaroon ng forced outage.
Tiniyak naman ni Atty. Gines na patuloy ang imbestigasyon ng ERC para matukoy ang sanhi ng pagpalya ng dalawang transmission lines.











