--Ads--

Isang Airbus A319 ng United Airlines na papuntang LaGuardia Airport sa New York ang in-evacuate matapos mag-abort ng takeoff dahil sa isang ulat na may engine fire sa George Bush Intercontinental Airport (IAH).

Ang Flight 1382 ay nag-abort ng takeoff bandang 8:35 a.m. dahil sa iniulat na “engine issue” ayon sa FAA.

Ang mga pasahero ay nakapag-record ng video na nagpapakita ng apoy sa makina,

kaya’t agad silang in-evacuate gamit ang emergency stairs at slides. Walang naiulat na sugat sa mga pasahero o crew.

--Ads--

Ayon sa Houston Fire Department, hindi kinakailangan ng mga firefighting measures.

Inayos ang pagpapadala ng kapalit na eroplano para ipagpatuloy ang biyahe patungong New York na naka-schedule ng 12:30 p.m. Kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ng FAA ang sanhi ng insidente.