Naglunsad ng panibagong airstrike ang Estados Unidos laban sa Iran nitong Sabado matapos mapatay ang dalawang sundalong Amerikano sa mga pag-atake ng Iran sa Jordan.
Ayon sa US Central Command (CENTCOM), umabot na sa 16 ang kumpirmadong nasawing sundalong Amerikano mula nang muling sumiklab ang sigalot noong Pebrero 28.
Sinabi ng CENTCOM na layunin ng mga airstrike na pahinain ang kakayahan ng Iran sa Strait of Hormuz at gantihan ang mga pag-atake laban sa mga tropang Amerikano.
Nagbabala naman si Iranian Supreme Leader Mojtaba Khamenei na magbibigay ang Iran ng “hindi malilimutang leksyon” sa Estados Unidos kung magpapatuloy ang mga pag-atake.
Samantala, iniulat ng Kuwait at Bahrain ang panibagong mga pag-atake ng Iran sa kanilang mga pasilidad at teritoryo habang patuloy ang pagtaas ng tensyon sa Gitnang Silangan.
Ayon sa Iran, umabot na sa 50 katao ang nasawi at mahigit 500 ang nasugatan sa nagpapatuloy na labanan.











