--Ads--

Inakusahan ng Iran ang Estados Unidos na nagdulot ng pinsala sa mga pasilidad sibilyan sa lalawigan ng Bushehr matapos ang panibagong airstrike ng militar ng Amerika. Ayon sa Tehran, naapektuhan ang mga lugar malapit sa Bushehr Nuclear Power Plant, mga paliparan, pasilidad na pang-logistics at mga pantalan ng mga mangingisda kung saan ilang bangka ang nasunog.

Gayunman, iginiit ng US Central Command (CENTCOM) na mga target militar lamang ang kanilang tinamaan, kabilang ang mga air defense system, radar site at missile positions ng Iran.

Sinabi rin ng Iran na 14 katao ang nasawi at 78 ang nasugatan sa loob ng dalawang araw ng pag-atake, habang nagsagawa naman ito ng ganting missile at drone strike laban sa mga target na may kaugnayan sa Estados Unidos sa Gulf region.

Nagbabala ang mga international observer na maaaring magdulot ng panganib sa kaligtasan nukleyar ang mga pag-atakeng malapit sa Bushehr Nuclear Power Plant, habang patuloy namang tumitindi ang tensyon sa pagitan ng Iran at Estados Unidos.

--Ads--