Matapos i-refer ng ilang kongresista sa ethics panel ang sexist remarks ni Quezon City Rep. Bong Suntay, naghain ng ethics complaint ang mga women’s rights advocates laban sa kanya.
Nagpahayag ng suporta si Gabriela party-list Rep. Sarah Jane Elago sa hakbang nina Reps. Ysabel Zamora, Ma. Ann Lourdes Matibag, Renee Co, at Dadah Kiram Ismula.
Si Matibag, chair ng House women and gender equality committee, ang nanguna sa pagsasampa ng reklamo laban kay Suntay.
Sumama rin sina Akbayan Reps. Percival Cendaña at Chel Diokno sa panawagan para sa administrative sanctions laban kay Suntay.
Ang ethics complaint ay inihain nina dating Gabriela Rep. Liza Maza, Gabriela National Alliance chairperson Gert Libang, Gabriela Youth spokesperson Fran Reyes, at Kilusan ng Manggagawang Kababaihan spokesperson Jacq Ruiz.
Noong Martes, ikinumpara ni Suntay ang pahayag ni Vice President Sara Duterte tungkol sa pag-iisip na pugutan ng ulo si Pangulong Marcos sa sexual urge umano na naramdaman niya para sa aktres na si Anne Curtis nang makita ito sa publiko.
Ayon sa Ateneo Human Rights Center (AHRC), si Suntay ay maaaring managot sa sexual harassment at violence against women.
Dagdag pa nila, ito rin ay sakop ng RA 9710 o Magna Carta for Women, dahil nagtataguyod ito ng maling paniniwala at diskriminasyon laban sa kababaihan.









