--Ads--

Matapos ang ilang taon bilang isa sa pinakaminamahal na tambalan sa showbiz, opisyal nang pumasok sa panibagong yugto sina Ronnie Alonte at Loisa Andalio bilang mga magulang.

Ibinahagi ng dalawa ang masayang balita noong Marso 12, nang ipahayag ni Ronnie na isinilang na ng kanyang asawa ang kanilang unang anak na si Runi Lior, na may palayaw na Nili.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Ronnie ang munting sulyap kay Nili na nakasuot ng onesie na may burdang inisyal na “RL.” Bagama’t hindi nila ipinakita ang mukha ng sanggol, pinili nilang ipaalam sa publiko ang pagdating ng kanilang anak sa isang simpleng ngunit makabuluhang paraan.

Agad namang bumuhos ang pagbati mula sa mga kaibigan, kapwa artista, at mga tagahanga.

--Ads--