Plano ng administrasyong Marcos na palakihin ang pangungutang sa loob ng bansa sa ikatlong quarter ng 2026, na may target na makalikom ng rekord na ₱1.12 trilyon mula sa domestic market sa gitna ng pabagu-bagong kalagayan ng pandaigdigang merkado.
Ayon sa (BTr), mas mataas ng 43 % o ₱336 bilyon ang target na pangungutang mula Hulyo hanggang Setyembre kumpara sa ₱784 bilyong itinakda noong ikalawang quarter. Ito na ang pinakamalaking quarterly domestic borrowing program ng pamahalaan ngayong taon.
Karamihan sa pondong kukunin ay magmumula sa short-term debt instruments o Treasury bills (T-bills), na may target na ₱700 bilyon. Samantala, mananatili sa ₱420 bilyon ang target na pag-isyu ng Treasury bonds para sa long-term borrowing.
Ayon sa mga ekonomista, mas pinipili ng pamahalaan ang lokal na pangungutang dahil sa mataas na gastos sa foreign borrowing, pabagu-bagong halaga ng piso, at hindi tiyak na sitwasyon sa pandaigdigang ekonomiya. Inaasahan din ang mas mataas na paggasta ng gobyerno para sa mga proyekto at imprastraktura sa nalalabing bahagi ng taon.










