Muling pinatunayan ng Ferrari World theme park na sila ang hari ng bilis matapos makapagtala ng Guinness World Record ang kanilang rollercoaster na “Formula Rossa” ng Guinness World Record para sa titulong “highest speed achieved by a rollercoaster launch”.
Naabot nito ang nakalululang bilis na 240 km/h sa loob lamang ng 4.9 seconds, na maihahalintulad na sa bilis ng isang totoong Formula 1 car.
Gumagamit ang nasabing rollercoaster ng isang hydraulic launcher upang paandarin ito sa 2.2-kilometrong riles na ginawa sa Autodromo Nazionale Monza circuit sa Italy.
Dahil dito, nakakaranas din ang mga sumakay nito nang matinding puwersa na aabot sa 4.8 G-force, katumbas nang nararamdaman ng mga propesyonal na race car drivers. Hawak na ng Formula Rossa ang record bilang pinakamabilis na rollercoaster sa buong mundo mula pa nang magbukas ito noong 2010.





