--Ads--

Isang 19-anyos na estudyanteng may pambihirang talino ang na-reject sa 16 na unibersidad kahit pa may mala-PhD na ang kayang talino! Kaya ngayon, idedemanda niya ang ilang paaralan dahil sa umano’y diskriminasyon.

Si Stanley Zhong, mula Palo Alto, California, ay may napakataas na 4.42 GPA at nakakuha ng halos perpektong 1590 sa SAT, isang bagay na natatamo lamang ng halos 2,000 sa mahigit dalawang milyong kumuha ng pagsusulit kada taon.

Dahil sa angking talino, inalok na siya ng trabaho ng Google bilang isang software engineer, isang posisyong karaniwang nangangailangan ng doctorate degree!

Ngunit sa kabila ng kanyang kahanga-hangang academic record, isa-isang bumagsak ang kanyang mga aplikasyon nang magsimulang lumabas ang college admission results noong 2023.

--Ads--

Tinanggihan siya ng mga kilalang unibersidad tulad ng MIT, Stanford, UC Berkeley, Carnegie Mellon, Cornell, at University of Washington. Tanging University of Texas at University of Maryland lamang ang tumanggap sa kanya.

Ayon sa kanyang ama na si Nan Zhong, malinaw na diskriminasyon ang dahilan ng mga rejections na ito.

Dahil dito, nagsampa sila ng kaso laban sa mga naturang unibersidad na sinasabing may hindi patas na patakaran pagdating sa pagtanggap ng Asian American applicants.