--Ads--

Ipinamalas ng Gilas Pilipinas Women’s 3×3 ang kanilang tibay at composure matapos ang mahalagang do-or-die na panalo kontra host na Singapore, dahilan upang makapasok sila sa FIBA 3×3 World Cup 2026 sa Poland ngayong Hunyo.

Matapos mabigong makasungkit ng medalya sa 33rd Southeast Asian Games, muling bumangon ang koponan sa pamamagitan ng kanilang mahusay na performance, kabilang ang pag-uwi ng silver medal sa FIBA 3×3 Asia Cup 2026 dalawang linggo bago ang kanilang qualification.

Dala ang momentum at tiwala sa sarili, handa na ang Gilas Women na sumabak sa world stage upang ipakita ang husay at ipagmalaki ang bandila ng Pilipinas sa Poland.