--Ads--

CAUAYAN CITY – Inaresto at sasampahan ng kaso ang isang ginang na dumalaw sa kanyang ama na nakapiit sa Nueva Vizcaya Provincial dahil sa pagdadala ng bala na pangontra umano sa kulam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PSSg Malvar Ferrer, imbestigador ng Bayombong Police Station, sinabi niya na kinapkapan ang ginang bilang bahagi ng standard operating procedure ng mga prison guard.

Matapos na makapkapan ang ginang na itinago sa pangalan Minda ay nasamsam sa kanya ang isang bala ng M79 na ginagamit ding bala ng M203 granade launcher na isa sa mga itinuturing na explosives.

Nang tanungin ang ginang kung bakit mayroon siyang bala ay sinabi niyang dinala niya lamang ito bilang pangontra umano sa mangkukulam.

--Ads--

Dati nang dumadalaw ang ginang sa piitan subalit ngayon lamang siya nagdala ng bala ng baril.

Hindi niya umano alam na may batas na nagbabawal sa pagdadala ng bala.

Sa kabila nito ay nanindigan ang pulisya na sampahan si Minda ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Ang tinig ni PSsg Malvar Ferrer