--Ads--

CAUAYAN CITY- Walang takas sa mata ng batas at CCTV ang dalawang babae matapos magnakaw sa supermarker ng isang malaking mall sa lungsod ng Cauayan

Kinilala ang isa sa suspek na si alyas Maria, 37 anyos, vendor at residente ng Malabon City

Batay sa naging pagsasalaysay ni Mary Alejo, CCTV Operator ng mall, nakita.niya na may kahina hinalang galaw ang dalawang babae na nag udyok sa kanya upang magreport sa head security ng pasilidad

Ngunit sa kabila nito ay Nakalagpas pa sa tatlong exit doors ang dalawang suspek sa kabila ng mga nakaposteng mga security guards

--Ads--

Kaya naman mismong ang head security na ang kumompronta kay alyas Maria sa harapan ng Starbucks kung ilang metro na lang ang layo para tuluyang makalabas ang suspek sa mall

Nakuha sa pag iingat ni lyas Maria ang mga kape, shampoo, candy at shorts na mayroong kabuoang halaga ng P4,684

Agad din namang nagsagawa ng follow up investigation ang hanay ng Cauayan Police Station gayundin ang pag iinterview sa mga nakasaksi sa nasabing pagnanakaw

Dinala rin sa Cauayan Medical Hospital ang suspek para sa medical examination, habang inihahanda na rin ang kasong pagnanakaw sa suspek