Nananatili umanong mapayapa at maayos ang bayan ng San Mariano, Isabela, sa tulong ng mas pinaigting na police visibility.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLt. Rodel Viloria, Operations PCO ng San Mariano Police Station, sinabi nito na maliban sa presensya ng mga kapulisan sa mga pampublikong lugar sa pamamagitan ng pagsasagawa ng police checkpoints at mobile & foot patrol, malaking bagay rin ang kanilang koordinasyon at pakikipagtulungan sa publiko at mga barangay officials.
Sa pamamagitan kasi nito ay agad na natutugunan ang mga hindi kanais-nais na mga insidente naitatala sa kanilang nasasakupan sa pamamagitan ng mga first responders sa bawat barangay.
Ngayong summer vacation, maliban sa pagbabantay sa mga ilog at resorts at pangunahing kalsada ay nagsasagawa rin sila ng OPLAN Sita upang matiyak kaligtasan ng mga motorista at publiko.
Samantala, nagpapatuloy naman ang intelligence driven operations ng PNP San Mariano para kanilang kampanya kontra ilegal na droga.
Mula sa dating 256 drug surrenderee ay nasa 13 indibindwal na lamang ngayon ang kabilang sa kakanilang monitoring list. Maliban dito, sa kabuuang 36 barangay sa San Mariano, Isabela—19 ang drug cleared at 17 ang drug free.
Tuloy-tuloy naman ang kanilang monitoring sa mga drug surrenderee upang matiyak na hindi na sila bumalik sa dating gawain.











