--Ads--

Mariing pinabulaanan ni Sen. Francis “Kiko” Pangilinan ang mga espekulasyong inuugnay siya sa umano’y planong kudeta sa liderato ng Senado at nilinaw na wala siyang balak maging Senate president.

Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Sen. Pangilinan na mas nais niyang pagtuunan ng pansin ang food security kaysa makisangkot sa usapin ng liderato sa Senado.

Lumabas ang kanyang pahayag matapos maiulat na may ilang senador umanong nais palitan si Sen. Alan Peter Cayetano ilang araw matapos itong mahalal bilang Senate president kapalit ni Sen. Vicente Sotto III.

Samantala, nakumpleto ni Cayetano ang kinakailangang 13 boto sa tulong ng suporta ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa, na muling dumalo sa Senado matapos ang anim na buwang hindi pagpasok upang makilahok sa botohan para sa bagong liderato.

--Ads--