Mariing itinanggi ni Senate Minority Leader Alan Peter Cayetano na humiling siya ng “ceasefire” kay Sen. Panfilo “Ping” Lacson kaugnay ng kanilang bangayan sa isyu ng umano’y mga “ghost projects” sa Taguig City.
Ang pahayag ni Cayetano ay tugon sa naging social media post ni Lacson na nagsabing may isang senador na umano’y “pabulong” na humihiling ng tigil-alitan, bagama’t wala itong binanggit na pangalan.
Ayon kay Cayetano, may ilang senador ang nagpahayag ng pangamba na ang kanilang palitan ng akusasyon ay maaaring makasira sa imahe ng Senado, mailihis ang atensyon sa mas mahahalagang usapin, at makaapekto sa interes ng publiko.
Iginiit pa ng senador na mas mahalagang pagtuunan ng pansin ang mga isyu tulad ng mataas na presyo ng kuryente at langis, online gaming, at vape kaysa sa personal na bangayan.
Sinabi rin ni Cayetano na handa siyang harapin ang anumang alegasyong ibinabato laban sa kanya.
Samantala, nag iwan si Senador Lacson ng mga katagang “CEASEFIRE MY FOOT!!!” sa isang post niya sa social media.
Matatandaan na itinagnggi na ni Senator Lacosn ang pagakasangot sa anumang anomalya at nanindigan na lahat ng kaniyang yaman ay bunga ng kaniyang pagsisikap.










