--Ads--

Pasado sa polygraph test si ­dating Patrolman Rodulfo Gracioso Jr matapos isalang ng National Bureau of Investigation (NBI) sa pagsusuri kasunod ng mga pagbubunyag laban kay Vice Presidente Sara Duterte.

Ayon kay NBI Director Melvin Matibag, bukod sa background check si Gracioso, kinukunan nila ng mga pahayag at isinalang pa sa polygraph test.

Lumapit umano si Gracioso sa NBI sa tulong ni Father Flavie Villanueva, ang pari na umalalay sa mga pamilya ng mga biktima ng drug war ni dating Pang. Rodrigo Duterte.

Nasa kustodiya ng NBI si Gracioso habang iniimbestigahan at nakikipag-ugnayan na sila sa Department of Justice (DOJ) para sa witness protection program.

--Ads--

Samantala, kinumpirma ni Justice Secretary Fredderick Vida na natanggap na nila ang affidavit ni Gracioso at pinag-aaralan na nila ito.

Ayon sa ulat, pumasok sa PNP si Gracioso noong 2015, naging corporal at nadismis sa serbisyo ngayong ­Setyembre.