--Ads--
Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na isang grassfire ang sumiklab sa mga dalisdis ng Bulkang Taal nitong Martes ng hapon.
Ayon sa ahensya, nagsimula ang sunog bandang 5:35 p.m. at nakuhanan ito ng mga IP camera mula sa Cuenca (VTCU) at Napayong Island (VTNP) observation stations.
Binigyang-diin ng PHIVOLCS na nananatiling nakataas sa Alert Level 1 ang Bulkang Taal habang patuloy ang mahigpit na pagbabantay sa sitwasyon.
Batay sa tala hanggang Miyerkules, Mayo 20, 2026, nakapagtala rin ng tatlong pagyanig na dulot ng bulkan sa lugar.
--Ads--
Naobserbahan din ng ahensya ang 625 tonelada ng sulfur dioxide flux, mahina na plume, at panandaliang ground deformation sa paligid ng bulkan.











