--Ads--

Ipinagpatuloy ng August Twenty-One Movement (ATOM) ang kanilang ROAR! o Run On Against Revision campaign sa kahabaan ng Ayala Avenue sa Makati City kasabay ng car-free Sunday activities ng lungsod.

Nagtipon ang grupo sa Ninoy Aquino Monument upang bigyang-pugay sina dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. at dating Senador Butz Aquino bago ang paggunita sa Ninoy Aquino Day sa Agosto 21.

Kasabay ng paggunita, nagpahayag din ng pagtutol ang grupo sa umano’y korapsyon sa pamahalaan, partikular sa mga alegasyong iregularidad sa mga flood control project.

Nanawagan ang ATOM ng mas mahigpit na pananagutan at transparency mula sa administrasyong Marcos, kasabay ng panawagang tugunan ang mga isyung may kaugnayan sa paggamit ng pondo ng bayan.Sa kanilang aktibidad, bitbit ng grupo ang panawagang “End the Flood of Greed!” bilang pagtutol sa umano’y pag-abuso at katiwalian na anila’y dapat imbestigahan at panagutin ang mga responsable.

--Ads--