--Ads--

Inatasan ng Sandiganbayan Fifth Division ng dagdag na 90-araw na preventive suspension kay Senator Jinggoy Estrada habang nahaharap ito sa kasong plunder dahil sa umanoy anomalya sa flood control projects.

Ang nasabing kautusan ay pirmado ni Associate Justice Zaldy Trespeses kasunod ng pagtatapos ng unang suspensiyon na ipinataw ng Sandiganbayan Second Division noong Hunyo.

Inaatasan din nito na dapat ay mabigyan ng kopya ang Office of the Senate President ukol sa nasabing kautusan.

Dagdag pa dito na kanilang naresolba na ang lahat ng mga mosyon na kumukuwestyon sa validity ng case information na naglalaman ng formal charges laban kay Estrada.

--Ads--

Nahaharap si Estrada ng kasong graft kung saan otomatikong nagpapataw ito ng 90-araw na suspensiyon laban sa opisyal.