--Ads--

Inanunsyo ng Department of Energy o DOE ang panibagong oil price hike na ipatutupad simula bukas, araw ng Martes, Agosto 25.

Aabot sa P2.31 kada litro ang dagdag sa diesel, habang P1.08 kada litro naman ang itataas sa lahat ng uri ng gasolina. Tataas din ng P0.95 kada litro ang kerosene.

Ito na ang ikalawang sunod na linggo ng malalaking dagdag-presyo sa petrolyo. Noong nakaraang linggo, tumaas ng P2.49 kada litro ang gasolina, P3.84 ang diesel at P5.01 ang kerosene.

Samantala, inanunsyo na rin ng Unioil, Seaoil, Petro Gazz, Shell at Jetti Petroleum na ipatutupad ang kanilang oil price adjustments alas-6 ng umaga bukas.

--Ads--