Tumaas ng 15 porsyento ang gastusin ng mga Pilipino sa pangangalagang pangkalusugan noong 2025, ayon sa datos ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Umabot sa P1.87 trilyon ang kabuuang health expenditure ng bansa mula sa P1.63 trilyon noong 2024. Katumbas ito ng 6.7 porsyento ng gross domestic product (GDP), mas mataas kaysa sa 6.2 porsyento noong nakaraang taon.
Ipinakita rin ng datos na umabot sa P15,223 ang karaniwang ginastos ng bawat Pilipino sa kalusugan noong 2025, mas mataas ng 14 porsyento kumpara sa P13,356 noong 2024.
Ayon kay economist Marco Antonio Agonia ng University of Asia and the Pacific, maaaring dulot ng mas mataas na kamalayan sa kalusugan at mas malaking kakayahang gumastos ng mga mamamayan ang pagtaas ng health spending.
Gayunman, sinabi niya na nananatiling hamon ang mataas na antas ng out-of-pocket health spending, na nagpapakita ng pangangailangan para sa mas matatag na sistemang pangkalusugan sa bansa.










