--Ads--

Kumpirmado ng Sydney Water na mayroong napakalaking fatberg—tinatayang kasinglaki ng apat na bus—na nakapuwesto sa isang mahirap maabot na bahagi sa ilalim ng Malabar wastewater treatment plant sa Australia.

Ang naturang fatberg, na binubuo ng mga naipong mantika, langis, at grasa, ay pinaniniwalaang sanhi ng mga “itim na bola” na paminsan-minsang lumulutang at napapadpad sa mga dalampasigan ng Sydney mula pa noong 2024.

Noong una, inakala ng mga awtoridad na tar mula sa oil spill ang mga bola. Ngunit sa pagsusuri ng University of New South Wales, natuklasang naglalaman ang mga ito ng human feces.

Ayon kay Sydney Water managing director Darren Cleary ang bara ay nasa isang “inaccessible dead zone” o bahagi ng tunnel na hindi ligtas pasukin.

--Ads--

Pinaniniwalaang ang mga bolang napapadpad sa dalampasigan ay nagmumula sa agos ng tubig na dumadaan sa ibabaw ng fatberg, na nagiging sanhi ng pagkakabuo ng maliliit na piraso.