--Ads--

Hinihikayat ngayon ng Department of Agriculture Region 2 ang mga magsasakang hindi pa nakapagtanim na ikunsidera ang pagtatanim ng alternatibong produkto na angkop sa tag-tuyot.

Inihayag ni Regional Executive Director Rose Mary Aquino ng DA Region 2, sinabi niya na  pinangangambahan nila na labis maaapektuhan ang supply ng palay sa Cagayan Valley at mga kalapit pang Probinsya dahil sa nararanasang tag-tuyot.

Batay sa datos ng NIA-MARIIS naitala nila ang 31,866 ektarya ng taniman na maaaring makaranas ng total crop failure ng standing crops na may katumbas na production volume loss na 2.69 billion na magreresulta sa pagkawala ng 149 milliom 774 thousand 582 kilos ng palay.

Sa ngayon patuloy na umaasa ang NIa-MARIIS na magkakaroon ng pag-ulan para mapigilan ang nagbabadyang crop failure.

--Ads--

Dahil sa matinding tag-tuyot naghahanda ang DA pamamahagi ng mga alternatibong binhi na maaaring humalili sa palay gaya ng munggo, sibuyas at pakwan.

Batay sa DA mayroon silang nakahanda na binhi para sa 8,000 na magsasaka, mayroon ding naka standby na binhi ng gulay at mais at ang prayoridad dito para sa unang batch ang mga pinaka apektadong magsasaka.