Tinanggihan ng Senado ang kahilingan ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa na payagan ang kanyang pamilya na manatili sa Senate Mansion sa Baguio City mula Marso 26–29, dahil ang pasilidad ay kasalukuyang sumasailalim sa pagkukumpuni.
Kinumpirma ni Senate Secretary Mark Llandro Mendoza na bukod sa repairs, may patakaran na ang pamilya ay dapat samahan mismo ng senador.
Ang Senate Mansion ay isang government-owned residence na ginagamit ng mga senador kapag nasa Baguio para sa opisyal na tungkulin.
Ang kahilingan ni Dela Rosa ay kaugnay ng CSAFP (Chief of Staff, Armed Forces of the Philippines) Cup.
Matatandaan na si Dela Rosa ay matagal nang lumiliban sa Senado mula Nobyembre, sa gitna ng usapin ng posibleng arrest warrant mula sa International Criminal Court (ICC).
Maliban dito ay nahaharap din siya sa ethics complaint dahil sa kanyang hindi pagdalo sa mga sesyon ng Senado.
Maaalala na binanggit ng ICC ang pangalan ni Dela Rosa bilang “co-perpetrator” sa kasong crimes against humanity kaugnay ng mga extrajudicial killings sa war on drugs ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.











