--Ads--

Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na hindi labag sa batas ang hindi pagdedeklara ng dividends ng isang korporasyon sa ilalim ng Revised Corporation Code.

Sa impeachment trial ngayong Martes, sinabi ni defense lawyer Justin Nicol Gular na hindi awtomatikong obligadong magdeklara ng dibidendo ang isang kumpanya kahit mayroon itong unrestricted retained earnings.

Kinumpirma naman ni SEC Company Registration and Monitoring Department Director Gerardo del Rosario na hindi ipinagbabawal ng batas ang hindi pagdedeklara ng dibidendo dahil nakasaad sa batas na ang board of directors ay “maaaring” magdeklara nito.

Nauna nang inilahad ng prosekusyon na 10 sa 18 kumpanyang iniuugnay kina VP Sara Duterte at asawang si Manases Carpio ay walang idineklarang dibidendo.

--Ads--

Bahagi ito ng pagdinig sa Article II ng impeachment case na tumatalakay sa mga alegasyon ng hindi maipaliwanag na yaman, SALN disclosures at umano’y patuloy na business interests ng bise presidente habang nasa puwesto.