--Ads--

Pinag-iingat ang mga kabataan sa mapanganib at hindi angkop na content sa social media na maaaring makaapekto sa kanilang pag-uugali at pakikitungo sa kapwa.

Sa panayam ng Bombo Radyo kay Ginoong Ysmael Atienza Sr., chairman ng Isabela Anti-Crime Task Force o IACTF at adviser ng Isabela Police Provincial Office o IPPO, hinimok niya ang mga kabataan na maging mapanuri sa mga content na kanilang napapanood at ibinabahagi online.

Ayon kay Atienza, hindi porket viral o maraming nanonood ay ligtas o nararapat nang gayahin, lalo na kung naglalaman ito ng karahasan o maling gawain.

Maaari umanong maimpluwensiyahan ang pag-uugali ng mga kabataan kapag paulit-ulit silang nalalantad sa content na nagno-normalize ng maling gawain.

--Ads--

Dahil dito, hinimok niya silang huwag basta sumabay sa mga nauusong challenge, trend o video nang hindi sinusuri ang posibleng epekto nito.