--Ads--

CAUAYAN CITY – Nakatakdang simulan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pamamahagi ng ikatlong tranche ng ayuda para sa mga kuwalipikadong Overseas Filipino Workers (OFWs).

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Ginoong Chester Trinidad, Information Officer ng DOLE Region 2, sinabi niya  na nasa ikatlong tranche na ang DOLE AKAP para sa mga displaced at distressed Oversease Filipino Workers (OFW’s).

Makikipag-ugnayan ang DOLE sa Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para tuluyan nang  maipamahagi ang ayuda para sa mga benepisaryong OFW.

Sa unang tranche ay umabot sa 26 million ang naipamahagi sa 2,647 na benepisaryo na tumanggap ng 10,000 bawa isa.

--Ads--

Ayon kay Ginoong Trinidad, prayoridad nila ngayon ang mga displaced at distressed OFW’s upang matulungan silang makabangon matapos mawalan ng trabaho.

Ang pahayag ni Ginoong Chester Trinidad.

Samantala, online transaction na ang ipinatutupad ng DOLE Region 2 at kanilang mga field offices para sa kanilang mga kliyente.

Ito ay para hindi na sila pumunta sa kanilang tanggapan at maiwasan ang face-to-face contact.

Nakalagay na ang kanilang mga programa sa kanilang facebook page at website at maglog on na lamang ang mga kliyente upang makapag-avail sa mga programa ng ahensiya.