--Ads--

Patuloy ang ginagawang monitoring ng mga awtoridad laban sa bentahan at suplay ng iligal na sigarilyo sa iba’t ibang bahagi ng Santiago City

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLT. Stephen Carandang, Operation Officer ng Police Station 4, sinabi nitong nakatutok ang kanilang mga intelligence operative sa pagtukoy sa mga tindahang posibleng nagbebenta o nagsusuplay ng iligal na sigarilyo.

Aniya, bukod sa operasyon kontra iligal na droga, kabilang na rin sa kanilang prayoridad ang pagsugpo sa paglaganap ng mga kontrabandong sigarilyo.

‎Batay sa kanilang monitoring, may mangilan-ngilang tindahan na natukoy na umano’y sangkot sa ganitong aktibidad. Gayunman, karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa mga liblib na lugar ng lungsod.

‎Nilinaw naman ni Carandang na sa nasasakupan ng poblacion ay wala pa silang namomonitor na tindahang nagbebenta ng iligal na sigarilyo sa kasalukuyan.

‎Patuloy naman ang isinasagawang surveillance at validation operations ng pulisya upang matiyak na mapipigilan ang pagkalat ng mga iligal na produkto sa lungsod.