--Ads--

CAUAYAN CITY- Matagumpay na nadakip ng mga otoridad ng Cabarroguis Police Station ang Number 2 Most Wanted Person Regional Level dahil sa kasong 3 counts ng illegal recruitment sa Lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Marlon Moral, tagapagsalita ng Quirino Police Provincial Office sinabi niya na ang nadakip ay si Evangelyn Gamay  na residente ng Brgy. Tupax Sur, Jones, Isabela.

Aniya, modus operandi ng suspect na si Gamay kasama ang kaniyang mga kagrupo na mag recruite ng mga biktima online kung saan sila tumatanggap ng bayad sa pamamagitan ng e-wallet.

Sa katunayan ay marami ng nabiktima ang grupo ni Gamay na pawang pinangakuan na sila ay makakalipad patungo sa ibang bansa.

--Ads--

Nagbabala naman ang pulisya sa mga nagnanais na mag abroad na dumaan sa legal na paraan at huwag basta-basta magtitiwala sa mga nakakausap online.