--Ads--

Tiniyak ni Senate President Tito Sotto III na handa ang Senado sa anumang posibleng mangyari kaugnay ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay Sotto, man o hindi maipasa ng Kamara ang articles of impeachment at kahit may mga tangkang harangin ito sa Senado, gagampanan pa rin ng Mataas na Kapulungan ang kanilang mandato.

Giit niya, pawang espekulasyon pa lamang ang mga usapin sa ngayon, ngunit mananatiling nakatuon ang Senado sa pagsunod sa kanilang tungkulin.

Dagdag pa ng Senate President, oras na maipadala ng Kamara ang articles of impeachment, agad na magko-convene ang Senado bilang impeachment court.

--Ads--

Ipinaliwanag din niya na ayon sa Konstitusyon, awtomatiko ang pagbuo ng impeachment court kapag natanggap na ang reklamo, ngunit hindi pa ito agad nangangahulugang magsisimula ang paglilitis dahil may mga hakbang pang kailangang sundin bago ang actual trial.