Ipinagpaliban ng Senado ang pagpapatuloy ng impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos ipatupad ang work-from-home (WFH) arrangement sa Senado ngayong Lunes dahil sa patuloy na pag-ulan dulot ng Habagat.
Sinabi ni Senate President Sherwin Gatchalian na walang isasagawang pagdinig sa impeachment trial at wala ring sesyon ng Senado sa araw na ito.
Ayon kay Gatchalian, isinailalim sa work-from-home setup ang Senado bilang pagsunod sa mga hakbang ng pamahalaan sa gitna ng masamang panahon.
Nauna nang nagpalabas ang Malacañang ng Memorandum Circular No. 123 na nag-uutos sa mga tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila at ilang lalawigan na magpatupad ng work-from-home arrangement ngayong Agosto 10 dahil sa patuloy na malalakas na pag-ulan na dala ng southwest monsoon o Habagat.
Dahil dito, pansamantalang natigil ang mga nakatakdang aktibidad sa Senado, kabilang ang impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte.










