--Ads--

May kaugnayan umano sa isang terrorist organization na Dawlah Islamiyah na sangkot sa ilang pag-atake at banta sa pambansang seguridad ang isang high-value target na naaresto sa isinagawang intelligence-driven operation ng pinagsanib na pwersa ng kapulisan sa Cauayan City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PLtCol. Avelino Canceran Jr., Hepe ng Cauayan City Police Station, sinabi niya na matagal nang pinaghahanap ng batas ang nasabing indibidwal kaugnay sa kasong murder.

Isinagawa ang operasyon nitong ika-9 ng Abril, 2026, sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 6 sa Iligan City, Lanao del Norte.

Sa kasalukuyan, walang inirekomendang piyansa para sa kasong murder na kinahaharap ng akusado.

--Ads--

Patuloy naman ang panawagan ng pulisya sa publiko na makipagtulungan sa pagbibigay ng impormasyon upang masugpo ang kriminalidad sa lungsod.