--Ads--

Nakakaranas ngayong ang Japan ng paglobo ng kaso ng flu o influenza.

Inihayag ng Bombo International News Correspondent Hannah Galvez na dahil sa naiatala na nila ang record high na kaso ng Flu ay nag labas na ang Japan ng travel advisory sa ibang mga bansa.

Batay sa datos noong nakaraang buwan niatala ang highest peak kaya punuan na ang mga pagamutan doon.

Gaya ng naging kaso ni Barbie Shu siya ay tinamaan ang Influenza “A” na siyang naging sanhi ng kaniyang kamatayan lalo at may underlying conditions o complications na siya ng magtungo sa Japan.

--Ads--

Sinasabi rin na mas mataas ang bilang ng nasawi dahil sa Influenza kumpara sa COVID 19.

December 20,2024 ay naitala nila ang 317,812 weekly case ng influenza pinakamataas kumpara noong 1989.