--Ads--

CAUAYAN CITY – Bibigyan ng pagkilala ng Isabela Police Provincial Office (IPPO) ang ilang indibidwal na nakatulong sa pagpapatupad ng crime prevention and crime solutions bilang bahagi ng 26TH Police  Community  Relation  Month Celebration.

Ang tema ng PCR Month Celebration ngayong 2021 ay “Pulis at Pamayanan, BARANGAYanihan sa Hamon ng Pandemya at Laban sa Krimen.”

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni PCapt. Esem Galiza, Deputy Chief ng Police Community Affairs Develelpment Unit  (PCADU) ng IPPO na marami silang nakalinyang aktibidad.

Highlight ng kanilang selebrasyon ang pagbibigay ng pagkilala sa mga pulis at sa mga deserving  individual o  citizen na tumutulong sa mga programa ng pulisya sa pagpapatupad ng crime prevention and crime solutions.

--Ads--

Sinabi niya na mayroon silang paparangalang tatanghaling Outstanding Police Commission Officer sa larangan ng Police Community Relations.

Magkakaroon din ng Unit award at mayroon ding bibigyan ng Certificate of  recognition na mga indibidwal.

Tinig ni PCapt. Esem Galiza.

Bilang bahagi ng 26th Police Community  Relation Month Celebration ay magkakaroon ng Lingkod Bayanihan Caravan o Barangayanihan  sa Cabugao, Cauayan City bukas at magsasagawa ng blood letting activity sa ikalabing lima ng Hulyo katuwang ang Philippine Red Cross.

Magkakaroon din ng unveiling ng drug free work place sa June 27 at Culminating activity ng PCR month sa August 2.