--Ads--

Kinumpirma ng Israel Defense Forces (IDF) na totoo ang larawang kumalat sa social media na nagpapakita ng isang sundalong Israeli na sinisira ang isang religious statue sa Southern Lebanon na naglalarawan kay Hesus.

Ayon sa pahayag ng IDF, itinuturing nila ang insidente bilang isang seryosong paglabag at hindi naaayon sa pamantayan ng asal na inaasahan sa kanilang mga tauhan.

Dagdag ng militar, iniimbestigahan na ito ng Northern Command at isinasagawa ang mga hakbang sa pamamagitan ng chain of command. Nabanggit din na makikipagtulungan sila sa lokal na komunidad upang suportahan ang pagpapanumbalik ng nasirang estatwa.

Mariing iginiit naman ng IDF na hindi nila tinatarget ang mga sibilyang imprastruktura o panrelihiyong lugar, at itinuturing ang insidente bilang paglabag sa kanilang polisiya.

--Ads--

Ang insidente ay naganap malapit sa mga nayon ng Debl o Deir Siryan sa timog Lebanon, bahagi ng lugar na apektado ng patuloy na tensyon sa hangganan ng Israel at Hezbollah.

Una naring nagpahayag ng pagkagulat at kalungkutan si Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos na umani ng batikos ang insidente ma mabilis kumalat sa social media.