--Ads--
Isang matinding Super Mario fan mula Japan ang nakapagtala ng bagong Guinness World Record matapos maglaro nang walang tigil sa loob ng 60 oras, 17 minuto, at 58 segundo.
Tinalo ni Audrey Mina ang dating rekord na 50 oras na itinakda ni Dan Ryckert noong 2011.
Naka-livestream sa kanyang YouTube channel na may 125,000 subscribers ang kanyang gaming marathon, kung saan sinubaybayan at sinuportahan siya ng mga fans mula Mayo 2 hanggang Mayo 5 noong nakaraang taon.
Ayon sa patakaran ng Guinness World Records para sa marathon attempts, may karapatan ang kalahok na magpahinga ng limang minuto sa bawat isang oras ng laro, na maaari ring ipunin para sa mas mahabang pahinga.
--Ads--











