Pormal nang sisimulan ni PBA legend Jimmy Alapag ang kanyang tungkulin bilang head coach ng NLEX Road Warriors sa pagbubukas ng PBA Season 50 Governors’ Cup sa Ynares Center sa Antipolo City.
Makahaharap ng NLEX ang guest team na Macau Giant Pandas sa alas-7:30 ng gabi, kasunod ng unang laro sa pagitan ng Terrafirma Dyip at Titan Ultra Giant Risers.
Pinalitan ni Alapag si Jong Uichico bilang head coach ng NLEX matapos ang halos anim na taong coaching stint sa NBA at G League.
Sasandigan ng Road Warriors sina import DeQuan Jones, Robert Bolick, Schonny Winston, Jayvee Mocon at JB Bahio.
Samantala, magbabalik naman sa PBA si John Amores bilang bahagi ng Titan Ultra matapos mabigyan ng clearance at maalis ang kanyang suspensyon kaugnay ng isang insidente noong 2024.








