--Ads--

Sisikapin ng TNT Tropang 5G na makabangon mula sa dalawang sunod na pagkatalo habang target ng Phoenix Fuel Masters na mapanatili ang liderato sa Group B ng PBA Season 50 Governors’ Cup.

Makakaharap ng TNT (1-2) ang Converge FiberXers sa alas-7:30 ng gabi matapos ang laban ng Phoenix (3-1) at Blackwater Bossing (2-2) sa alas-5:15 ng hapon sa Ninoy Aquino Stadium sa Maynila.

Matapos manalo sa kanilang unang laro kontra Macau, sunod namang natalo ang TNT sa Titan Ultra at Terrafirma. Dagdag pa sa kanilang problema ang pagkawala ng ilang key players dahil sa injury at hindi magandang produksyon ni import Darius Days.

Samantala, target ng Converge na makabalik sa winning track matapos maputol ang kanilang three-game winning streak sa kamay ng San Miguel Beer.

--Ads--

Mag-uunahan din sa pagbangon ang Phoenix at Blackwater matapos magtamo ng kabiguan sa kani-kanilang huling laro.