--Ads--
Kumpiyansa ang TNT Tropang 5G na makakabalik sa magandang kondisyon si import Rondae Hollis-Jefferson sa kanilang depensa ng korona sa PBA Season 50 Governors’ Cup.
Kasalukuyan siyang nagpapagaling mula sa ruptured right Achilles tendon na natamo noong Disyembre sa EASL. Nasa ikalimang buwan na siya ng recovery at unti-unti nang nakakabalik sa light running, jumping, at on-court workouts. Tinatayang maaari siyang makabalik sa pagitan ng Setyembre at Oktubre.
Habang wala pa siya, gagamit ang TNT Tropang 5G ng import na si Darius Days para sa Governors’ Cup na magsisimula sa Hulyo 10.
Magbubukas ang kanilang title defense sa Hulyo 19 laban sa guest team na Macau.
--Ads--







