--Ads--

Ipinagdiriwang ngayong Pebrero 17 ang ika-109 kaarawan ng legendarilyong mambabatok na si Apo Whang-od, at binigyang-diin ng Munisipyo ng Tinglayan ang kanyang malaking ambag sa pagpapanatili ng kulturang Kalinga at pagpapalakas ng turismo.

Ipinanganak noong 1917 sa Buscalan, si Whang-od ay nagsimula sa tradisyunal na hand-tapped tattoo o “batok” noong kanyang kabataan. Dahil sa kanyang husay, nakilala siya hindi lamang sa Pilipinas kundi pati sa buong mundo, na nagdala ng libu-libong turista sa kanilang nayon upang maranasan ang kanyang sining.

Dahil sa dedikasyon sa pagpapanatili ng katutubong kultura, iginawad sa kanya ang Presidential Medal of Merit noong 2024 at ang prestihiyosong Dangal ng Haraya Award noong 2018.

Hindi lamang sa sining nag-ambag si Whang-od kundi pati sa pagpapalakas ng cultural tourism sa Tinglayan at sa paghikayat sa kabataan na pahalagahan at pangalagaan ang kanilang pamana.

--Ads--

Ang buhay at gawa ni Apo Whang-od ay patuloy na inspirasyon at karangalan para sa Kalinga at sa buong Pilipinas, na nagpapakita ng kahalagahan ng katutubong sining sa pambansang identidad.