--Ads--

Walang naitalang kaso ng overcharging sa mga pampublikong sasakyan sa buong idinaos na Cagayan Valley Regional Athletic Association (CAVRAA) Meet 2026, ayon sa Department of Public Order and Safety ( DPOS ) ng Santiago City.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay DPOS Chief Modesto Cabanos III, sinabi nitong wala silang natanggap na pormal na reklamo kaugnay ng overcharging, batay sa kanilang talaan ng mga kasong naihahain sa kanilang tanggapan.

‎Ayon pa kay Cabanos, naging maayos ang kabuuang daloy ng mga aktibidad sa lungsod, kabilang ang trapiko na nanatiling maluwag sa kabila ng dagsa ng mga delegado, atleta at bisita.

‎Wala rin aniyang naitalang insidente ng pang-aabuso o pananamantala sa mga kalahok ng palaro, dahilan upang mairaos nang maayos ang naturang regional meet.

--Ads--

‎Binigyang-diin ng opisyal na naging epektibo ang kanilang pagbabantay at monitoring operations, kaya’t nanatiling ligtas at organisado ang buong CAVRAA 2026 sa lungsod.

‎Samantala, hinikayat ng DPOS Santiago City ang mga commuter na agad ireport sa kanilang tanggapan ang anumang insidente ng overcharging o iba pang paglabag ng mga pampublikong sasakyan upang agarang maaksyunan at mapanagot ang mga sangkot.