GOLDEN CORN HARVEST- Farmers in Cauayan City in Isabela rush threshing their corn harvest while taking advantage of the sunny weather. The province is said to be the Corn Capital of the Philippines. LEONARDO PERANTE II
--Ads--

Nilinaw ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang proseso ng pagpili sa mga corn farmers beneficiary na makakatanggap ng ayuda matapos ang epekto ng matinding tagtuyot sa probinsya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Isabela Vice Governor Francs Faustino “Kiko” Dy, sinabi niya na ang listahan ng mga benepisyaryo ay nagmula mismo sa mga local government units, partikular sa mga municipal at city agriculture offices na siyang direktang nagsasagawa ng assessment sa kalagayan ng mga magsasaka sa kani-kanilang lugar

Aniya, ang mga municipal agriculturists ang nag-validate kung sinu-sino ang mga corn farmers na aktwal na naapektuhan ng drought, batay sa kanilang mga ulat at field assessment. Ang nasabing listahan ay isinumite sa pamahalaang panlalawigan para sa karagdagang beripikasyon.

Ayon naman kay Regional Director Lucia Alan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Region 2, na sumailalim din sa deduplication process ang listahan upang maiwasan ang dobleng pagtanggap ng ayuda, lalo na sa mga magsasakang may sakahan sa higit sa isang bayan o lungsod. Kabilang sa mga tinitingnan sa prosesong ito ang buong pangalan, petsa ng kapanganakan, at lokasyon ng sakahan ng benepisyaryo.

--Ads--

Sa ilalim ng programa, tinatayang nasa 35,000 corn farmers ang makikinabang mula sa pondong umaabot sa 358 milyong piso, kung saan bawat isa ay makakatanggap ng halagang 10,125 pesos.

Patuloy rin ang pamamahagi ng tulong mula sa Department of Agriculture sa mga apektadong farm workers, habang hinihikayat ang mga hindi pa nakakatanggap na makipag-ugnayan sa kanilang municipal agriculture office para sa beripikasyon.

Aminado ang bise gobernador na may limitasyon ang pondo, kaya’t prayoridad ang mga magsasakang lubhang naapektuhan ng tagtuyot.

Gayunpaman, tiniyak ng pamahalaang panlalawigan ang patuloy na pagbibigay ng tulong at suporta sa sektor ng agrikultura.