--Ads--

Tinanghal na Miss Supranational 2026 ang kinatawan ng Pilipinas na si Katrina Llegado matapos ang ginanap na koronasyon sa Nowy Sącz, Poland noong Hulyo 31.

Siya ang nagwagi laban sa 67 kandidata mula sa iba’t ibang bansa at kinoronahan ng outgoing queen na si Eduarda Braum ng Brazil.

Nakapasok si Katrina sa Top 5 kasama ang mga kandidata mula sa Brazil, Czech Republic, France at Nigeria bago tuluyang masungkit ang korona.

Bago ang kanyang tagumpay, nakapasok din siya sa Top 12 matapos ang swimsuit competition at naging isa sa mga paborito ng pageant followers.

--Ads--

Ito ang ikalawang korona ng Pilipinas sa Miss Supranational matapos ang matagumpay na kamapniya ni Mutya Johanna Datul ng Santa Maria Isabela noong 2013.